Wednesday, November 9, 2011

TAMBOBONG, PANGASINAN ! My Beautiful Home Town

Lumaki ako sa Tambobong. Mahal ko ang barrio ko. Mahirap pumunta dito dati kasi wala naman talagang daanan, rough road na 25kilometers. Dahil dito, wala halos bisita nagpupunta sa amin.10 years na kami nananalo na pinaka malinis na beach sa buong Pangasinan. Strikto si Kapitana Arroyo sa pag papatupad ng anti littering at cleanliness campaigns sa amin. Subalit tulad ng ibang mga fishing community sa Pilipinas ay talamak ang dynamite at cyanide fishing sa amin. Nasira ang mga ipinagyayabang na corals at marine life.


(photo below:from left, salt water cave, fresh water cave, balinmanok wreck)











Nung bata ako ay natatandaan ko na sobrang daming isda sa amin. Lumaot ka lang sa tubig na hanggang bewang ay maykakakuha ka na ng samut saring isdang malalaki.

Ngayon na 21 years old na ako ay halos wala nang makuhang kabuhayan sa karagatan. Madalas, lalo na pag tag ulan ay lumuluwas ang mga kababayan ko sa maynila upang maghanap ng trabaho.


(photo below:Pantalan Beach resort camp area, Hermana Mayor Island, Balaki Island courtesy of TonetCarlo)











Subalit ngayon, unti unti nang bumabalik ang ganda ng karagatan lalo na sa tapat at paligid ng Tambobong at Osmena. Ilang taon na rin nakalipas nung huling makita o mabalitaan ko na merong nag dinamita kaya tumutubo na rin ulit ang mga corals at bumabalik unti ang marine life.(picture below:crocodile island, colibra island, Pantalan parking)












Hanggang ngayon ay maganda pa rin ang mga beach sa amin. Palagay ko ay ideal vacation place ngayon kasi hindi pa commercialized at tahimik. Pino ang white sand sa amin at parang Boracay na hindi umiinit ang buhangin.
Kung gusto ninyo mag organize ng camping or beach roadtrip ninyo ay tumawag lang kayo or mag text dito sa SUN# 09222688111 at kausapin si Raymond. Or call me at SMART#09129352210 or landline (02)9830432. Nanay Precy Bobis sa SMART# 09075183062
(photo right: ME (center), with my guests and friends! ligo sa poso!)







HOW TO GET THERE:
BY CAR:
Take NLEX and go onto SCTEX. On SCTEX head towards TARLAC/BAGUIO but exit at HACIENDA LUICITA exit. Go on McArthur Highway and turn left at SIESTA (mercury drug) going towards CAMILING. Stay on the NATIONAL ROAD until you get to ALAMINOS. From ALAMINOS, go on towards BURGOS. At Burgos you will see a PETRON GAS STATION just after the small burgos town proper. Turn RIGHT on that small street in front of the Petron Gas Station and then turn Left at the dead end. Go on the cemented/asphalted road until you reach Baryo ng Concordia. From there keep going straight to Pogoruac and turn LEFT at the T section. After 3.5kilometers you will see an intersection marked by a GIANT Tire, turn LEFT at the tire. This will bring you to Tambobong/Osmena area. Ask where the PANTALAN (wharf) is located.
BY PUBLIC TRANSPO:
Ride Victory Liner from Cubao to Alaminos (370pesos). From Alaminos town proper, ride another bus or jeep going to BURGOS (50pesos). Then from Burgos town proper in front of market ride another Jeep going to TAMBOBONG/OSMENA and go down at the PANTALAN. This final jeep ride is only available until about 1pm so please take note! If you miss the ride, you can charter a tricycle to tambobong but it will set you back about 300pesos one way!

Thursday, May 28, 2009

ITONG CAVE na ito ay isa sa mga pinupunta ng mga bumibisita sa aming lugar.Ang cave na ito ay pagmamay-ari ng aming lolo na inaalagaan ng mga tao sa aming lugar na mayroon itong malinaw at malinis na tubig na galing sa bukal na dumudugtong sa dagat ang tubig nito.







NA PINAPANIWALAAN ng mga tao sa aming lugar ito'y likha ng kalikasan.NGUNIT may mga ibang pumupunta rito na binababoy nila dahil sa pagtapon at pag-iwan ng mga basura.






ISA sa mga bangkang ginagamit sa pangingisda ng mga tao dito at ginagamit rin ito sa pagsundo at paghatid sa mga GUEST na pumapasyal sa aming lugar.



''Afternoon picture''
ANG TAMBOBONG WHITE BEACH ay ipinagmamalaki ng aming lugar dahilan sa ito'y mayroong malinis na buhangin at malinaw na tubig hindi ito mailalayo sa mga magagandang BEACH dito sa Pilipinas.



ISANG lugar na napakatahimik at simpling pamumuhay lang ang makikita niyo sa aming lugar.HINDI pa ito masiyadong napupuntahan ng mga tao


There is a new resort there, just starting. Its called PANTALAN BEACH RESORT in Tambobong. just call this number SUN#09223643738 OR SMART#09075183062 for reservations and arrangements.

Respective fees are as follows
Entrans fees 100/pax
(Include CR and Maintenance fees)
COTTAGE 1500\night (8 to 10 pax)


Other fees for Island Hopping
1300/Boat for three Island :
COLIBRA ISLAND
KABAKUNGAN CAVE
BALINMANOK WRECK
(OTHER FEES TO GOING HERMANA MAYOR ISLAND)

Tent rental(500?)not sure,please inquire.
Snorkel rental(200/2hrs)please inquire.

FOR MORE INFO. AND VIEW PLEASE VISIT OUR BLOG BELOW :

TAMBOBONG FACEBOOK PAGE

TAMBOBONG THINGS TO DO/SEE

TAMBOBONG/OSMENA BEACHES/CAMPING: COLIBRA ISLAND

TAMBOBONG/OSMENA BEACHES: KABAKUNGAN CAVE,BALINMANOK WRECK,BALAKI ISLAND HOPPING

TAMBOBONG/OSMENA BEACHES: FRESH WATER CAVE